Tuesday, February 19, 2008

Victory! and Updates

  • Nakagawa kami ng magandang booth para sa aming Literature Festival! Sayang nga lang, hindi kami nanalo ni 3rd Place. Hmp. Pero ok lang. There is still joy in my heart, una, nakagawa kami ng booth na sobrang ganda! Haha! At higit sa lahat, nakapagbonding ang section namin habang naggagawa. O di ba. Namimiss ko na nga yung time na naggagawa kami ng booth. Saya talaga. Bonding time rin with our new classmate. Natutuwa ako kasi kahit papano nakilala ko sila deeper. At may 70% na kaming puhunan sa Literature subject namin hehehe.
  • Nakakuha ako ng 99% na grade sa aking P.E class! Hahahaha! Hindi kapani-paniwala! Sobrang grace ni Lord. Hindi naman ako magaling mag volleyball and yet nakakuha akong ganuong kataas na grade! Hohohoh!
  • Natapos na ang aming Midterm Exam at mukang ayos naman ang aking mga grade. Dami ko rin natututunan these past few days.
  • Becoming more disciplined pagdating sa studies. Prioritizing things etc.
  • Another ever- sufficient grace of God- Nakapasok kami nina Diane at Seven sa eliminations ng Math Wizard! Out of 23 atang participant, 15 lang ata nakapasok! Hahaha! Hindi rin ako makapaniwala sa isang ito. Kasi sobrang hirap talaga nung test sa eliminations and still nakapasok kami! Hohohoho!
  • Strawberry na pala ang flavor ng ice cream sa may Mini Stop this month! Namiss kong kumain ng Strawberry flavored na ice cream!
  • Nakakatuwa pa, kasi I’ve installed a game that challenges the brain, at nilalaro yun ng 7 year old kong kapatid. Di naman niya ako natatalo, pero nakakascore ang bata ng mga 800, samantalang yung akin eh mga 1000+ lang! Haha! 7 year old versus 18 year old! Hahaha! Kakahiya.
  • Kanina, tinanong kami ng sub namin sa REED144 kung ano ba raw yung least na ayaw naming mgaing trabaho. Napaisip ako. Ano nga ba? Naisip ko ayoko ngang maging tagasisid ng posonegro. Yung mga naglilinis at nagtatanggal ata ng bara sa mga posonegro. Haha. Ayoko ngang sisirin and dumi ng ibang tao.
  • Ang lamig- lamig na ngayong panahon. Mas malaming pa nung Christmas season.
  • Interesado ako sa magiging kalalabasan ng ZTE scandal nay an. Kaso di ko nauupdate sarili ko. Bihirang makapanood ng news.
  • These past few weeks feeling ko palagi akong pagod. Naaapektuhan tuloy mood ko and attitude ko,. Piling ko ang sungit- sungit ko na naman. Hay hay. I’m still In God’s great process. Sana lang di ako magpaulit- ulit. Pero ok lang, di naman napapagod si Lord. Hay Lord.
Break my heart. Kill the flesh. Create in me a pure heart and renew a steadfast spirit within me. I want to be pleasing to your sight. I love you, Oh Lord, my strength!

6 comments:

Myk said...

Wow, 99% sa PE. Congrats!

Nerd.

Yep, sarap nung strawberry-flavored soft ice cream nila! Kain tayo dun minsan!

Ano'ng game 'yung brain challenger na 'yan???

Natawa naman ako dun sa tagasisid ng poso negro. May ganung job ba talaga? Brr.

Jayson said...

Big Brain Academy ehe.

Yep, may ganoong job talaga. Napanood ko yun sa isang documentary. Siguro sobrang wala ng equipments kaya tao na pinapalusong nila. Ehe.

mheries said...

wow..

okay lang yan pangj.. just choose to show forth love kahit pagod ^_^

pagpray pa natin yung ZTE scandal!

ann said...

PangJ, may complete, everyday updates ang ZTE Scandal sa gmanews.tv. ;)

So, magaling ka pala sa Math at P.E. -- pwede magpa-tutor? =)

Jayson said...

Thank Ate Joan.

Hahaha. Sure Ate Joan.
Galing ni Lord nuh. Sobra.

ann said...

Sinabi mo yan ha. Si Lord ang witness! =p

Pagbalik ko sa school this June, papaturo ko sayo sa homeworks.. Hehe. =)

(Sana may time pa ko nun magpaturo) Hehe.

God bless, yho! Pagbutihin ang pag-aaral. So the Lord will all the more be glorified in your life! -wink-